TL/Prabhupada 0850 - Kung may matanggap ka na pera maglimbag ng mga libro



750620d - Lecture Arrival - Los Angeles

Kung may natanggap kang Pera, Mag limbag ng libro. wala tayong bagong nadiskubre. (Tawanan) Hindi tayo lumilikha o gumagawa. Ito ang ating proseso. Kailangan lamang nating sundin ang utos ng hinalinhan, yun lang. Ang ating kilusan ay napakadali dahil hindi natin kailangang gumawa ng kung ano mang bagay. Kailangan lamang nating ulitin ang mga turo na ibinigay ng hinalinhan. Inatasan ni Kṛṣṇa si Brahmā, inatasan nis Brahma si Narada, inatasan ni Narada si Vyāsadeva, inatasan ni Vyāsadeva si Madhvācārya, at sa ganitong paraan, pagkatapos si Mādhavendra Puri, Īśvara Puri, Sri Chaitanya Mahaprabhu, pagkatapos ay ang anim Gosvāmīs, pagkatapos ay ang Srinivasa Ācārya, Kavirāja Gosvami, Narottama Dasa Thakur, Viśvanātha Cakravartī, Jagannātha dāsa Bābājī, Bhaktivinoda Ṭhākura, Gaurakiśora dāsa Bābājī, Bhaktisiddhānta Sarasvatī, at hanggang ngayon ginagawa pa rin natin ang parehong bagay. Walang pinagkaiba. Iyan ay ang espisipiko na pamamaraan ng kilusan ng Kṛṣṇa consciousness Ikaw ay araw-araw na kumakanta, guru-mukha-padma-vākya, cittete koriyā aikya, ār nā koriho mane āśā. Napakasimpleng bagay, Tayo ay tumatanggap ng kaalaman sa pamamagitan ng paghalili o pagmamana ng guru-paramparā Kung kaya kailangan lng nating tanggapin ang turo galing sa guru. at kung naisagawa natin ito sa ating puso at kaluluwa, iyan ay ang tagumpay. Iyan ay praktikal. Wala akong personal na katangian, ngunit sinubukan ko lang na pasiyahin ang aking guru, iyon lang. Ang hiling ni Guru Maharja sakin ay "Kung may pera ka na matatanggap, maglimbag ka ng libro." Kaya nangyaring nagkaroon ng pribadong pulong, ang ilan sa aking mga mahalagang mga kapatid sa binyag ay nandoon din. Ito ay sa Radha-kunda. Kinausap ako na aking guru Maharaj na "Dahil meron kaming templong Baghbazar marmol nagkaroon ng napakaraming mga pagtatalo, at silang lahat ay nag-iisip kung sino ang gagamit sa kwartong ito o silid na iyon, silid na iyan. Kaya,gusto ko sanang ibenta itong templo at ang marmol at maglimbag ng ilang mga libro. "Oo. Kaya nakuha ko ito sa kanya, napakahilig niya sa libro. At personal niyang sinabi sakin na" kung may pera kang matataggap, maglimbag ka ng libro."Kaya binibigyan ko ng diin sa puntong ito: "Nasaan ang libro? Nasaan ang libro?" Kung kaya sana ay tulungan niyo ako. Ito ay aking kahilingan. Mag limbag ng maraming mga libro sa maraming lengguwahe at ipamahagi sa buong sanglibutan. Nang sa gayon ang kilusang "Kṛṣṇa concsiousness" ay awtomatikong lalaki. Ngayon ang mga edukado, mga iskolar, ay binibigyang halaga na nila ang ating kilusan. Sa pamamagitan ng pagbasa ng mga libro, sa pamamagitan ng pagkuha ng mga praktikal na resulta. Si Dr. Stillson Juda, siya ay nagsulat ng isang libro, marahil alam mo, Kṛṣṇa Con ... Hare Kṛṣṇa at "Counterculture", napakagandang libro tungkol sa ating kilusan. At binibigyan niya ito ng halaga. Tanggap niya na " Swamji, ang ganda ng iyong nagawa dahil nagawa mong maging deboto ang mga adik sa droga at handa silang maglingkod sa sangkatauhan